Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rez Cortez, hindi nagdalawang-isip na tanggapin ang Mang Kanor

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUMABAK sa malupet na romansahan si Rez Cortez sa pelikulang Mang Kanor na showing na ngayon sa AQ Prime streaming app.

Tampok ang veteran actor sa pelikulang ito bilang si Mang Kanor at kasama niyang sumabak din sa matinding lampungan dito sina Nika Madrid, Emelyn Cruz, Seon Quintos, at Rob Sy, with Via Veloso, Rain Perez, Atty. Aldwin Alegre, Carlo Mendoza, John Flores, at Joni McNab.

Ang latest movie sa AQ Prime na kargado sa mga maiinit na eksena ay mula sa pamamahala ni Direk Greg Colasito.

Nagdalawang isip ba siya na tanggapin ang Mang Kanor dahil sa matitinding love scenes na kailangan niyang gawin dito?

Tugon ni Rez, “Nag-usap naman kami ni Direk Greg, inalam ko kung ano iyong istorya at kailangan may script. At sinabi ko naman ang parameters ko when it comes to mga sex scenes.

“At napag-uusapan naman lahat iyan, eh, Hindi naman sila gumawa ng hindi ayon sa aking pagkaka-alam at walang problema sa working relationships dahil sa may tiwala kami sa bawat isa.”

Ipinahayag naman ni Direk Greg na ang Mang Kanor ay base sa viral video scandal ng isang senior citizen noong 2018, na during that time ay very controversial talaga. Pero kahit na animo piyesta sa mga pasabog, maiinit, at wild na sex scenes ang pelikula, may mapupulot na aral dito.

Ang Mang Kanor ay mapapanood na sa AQ Prime App ngayong. Download lang ang AQ PRIME app sa mga sumusunod:

Huawei: https://appgallery.huawei.com/app/C107049473

iOS: https://apps.apple.com/ph/app/aq-prime/id1636308861

Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.aqprime.aqprime

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …