Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrillo Ai Ai delas Alas

Quinn Carrillo, may kakaibang excitement sa pelikulang Litrato

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG lola na may Alzheimer’s disease at isang istriktong caretaker ang ilan sa tampok na karakter sa pelikulang Litrato na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Mula sa panulat ni Direk Ralston Jover, ito ay sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio. Tampok din dito sina Ara Mina, Quinn Carrillo, Bodjie Pascua, Duane David, Rowan Diaz, at Liza Lorena.

Ito’y ukol sa isang matandang babae na nasa care facility na mayroong Alzheimer’s disease at madalas na nanghihingi ng mga litrato sa mga taong hindi niya kilala dahil wala sa kanyang dumadalaw. Magbabago ang buhay ni Lola Edna nang dumating ang isang istriktong caretaker.

Si Quinn ang gaganap na caretaker dito at base pa lang sa kuwento ni Direk  Louie, ito ay isang passion project niya na six years ang hinintay bago nasimulan. Maraming kaabang-abang na twist dito, ayon pa sa award-winning Kapuso direktor.

Kuwento ni Quinn, “Yes po, ako yung gaganap na istriktong caretaker ni lola Edna. Magugulat siya kasi hindi ako mabait sa kanya, na gaya ng ibang caretakers na kinakawawa niya.

“Matutuwa yung ibang mga lola sa akin kasi napapasunod ko si lola Edna.”

Ano ang preparation niya rito? Tugon ng aktres, “Nag-workshop po ako kay Ms. Ruby Ruiz. Nag-usap din kami na ang gusto nga raw ni direk dito ay indie acting at no acting, acting talaga. Malaking tulong po yung pagwo-workshop ko kay Ms. Ruby.

Nagpahayag din ng kagalakan at kakaibang excitement ang aktres/writer sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging bahagi ng pelikula.

“Nakaka-flatter po, super, at nakakataba talaga ng puso kasi I’ve worked with direk Louie pero as a writer niya for Vivamax films. So, ngayon sabi namin finally as artista naman niya ako at nae-excite talaga ako, kasi ang ganda ng story nito,” masayang sambit pa ni Quinn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …