ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MATAGUMPAY ang ginanap na unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters. Pinangunahan ng Beautederm President at CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang pagbubukas ng napakagandang building na naipundar niya mula sa kanyang blood, sweat and tears na resulta ng kanyang hard-work.
Star-studded ang grang opening and ribbon-cutting ceremony nito at present ang ilan sa brand ambassadors ng Beautéderm na sina Zeinab Harake, Jelai Andres, Darla Sauler, Sunshine Garcia, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Quezon City District 3 Councilor Wency Lagumbay, Buboy Villar, Ning Cordero, Reina Manuel, IC Calaguas, Dr. Minnie Yao, JC Santos, Shyleena Herrera, at ang power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes.
Sa humigit na isang dekada, nakuha ng Beautéderm ang tiwala ng milyon-milyong loyal consumers nito bilang isang industry leader sa larangan ng beauty at wellness dahil sa mga ‘di mabilang na mga produkto nito na ngayon ay maituturing nang daily essentials na kinabibilangan ng skin at body care; vitamins at health boosters; home fragrances; mga patented merchandise; at marami pang iba.
Ang business model ng kompanya ay nilikha ng founder nito, ang lady boss ng Beautéderm, upang bigyan ang consumers ng mga life-changing products na tutulong sa kanila upang makuha ang lakas ng loob na ma-maximize ang kanilang full potential bilang mga indibidwal habang binibigyan naman nito ang mga resellers, distributors, at franchisees ng pangmatagalang kabuhayan na magbibigay sa kanila ng financial independence na mamuhay ng masagana kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.
Sa loob ng halos dalawang taon, sa pamumuno ni Ms. Rhea, ang buong team ng Beautéderm ay masusing plinano ang desenyo at pagpapatayo ng Beautéderm Corporate Headquarters dahil layunin nito na maging base of operations ng kompanya at maging isang premiere lifestyle venue sa Angeles City, Pampanga.
Sa building ay matatagpuan ang corporate operations ng kompanya at pati na rin ang iba pang mga negosyo na bahagi ng Beautéderm Group Of Companies gaya ng luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ang BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ang AK Studios – na isang state-of-the-art studio na angkop para sa mga photo shoots at video productions; at ang Beauté Beanery – na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.
Pahayag ni Ms. Rhea, “Beautéderm Corporate Headquarters is truly a dream come true, Each person who ever believed and continue to believe in my vision to contribute a beautéful difference in this world has impacted every brick, metal, and stone of this building. Hindi ko ito nagawa mag-isa – madami ang tumulong sa akin. I dedicate this to all our consumers not only here in the Philippines but around the world as well, to my hardworking staff, to my brand ambassadors, and to all our resellers, distributors, and franchisees.
“Together, we are ready more than ever, to face the promises of the coming years anew with all our hopes and dreams,”
“Sa lahat ng ating pinagdaanan sa nakalipas na halos tatlong taon, it is my fervent prayer for all of us to pick-up where we left off in 2020 as we all rise up together hand-in-hand for a bright future that I know awaits all of us, May we all be blessed with good fortune and may we all continue to strive and thrive in making all of our beautéful dreams come true,” sambit pa ng lady boss ng Beautéderm.