MA at PA
ni Rommel Placente
MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang magkasama at dinadalaw pa ng huli ang una sa bahay nito?
Maraming nagsasabi na may namumuo nang relasyon sa dalawa, pero ayon kay Cassy nang makausap namin siya sa mediacon ng pelikula nilang Ako Si Ninoy, “Hindi ko ma-explain, eh, it’s hard to explain din, eh. Pero alam namin ni Darren na we’re super, super close, we’re very special to each other.
“Parang he’s my best friend, I’m his best friend…”
Dahil consistent na best friend ang sinasabi ni Cassy sa relasyon nila ni Darren, bukas ba siya na maaaring mauwi ito sa totohanang relasyon at maging sila sa huli?
“I guess, as of now kasi—legit answer ito as in—I’m very focused sa career ko kasi I feel lang I’m just starting it.
“Ito ‘yung first movie ko, first musical and all of that, so I want to focus sa career ko.
“I wanna build myself first before mag-level up sa ganoon. We’re just enjoying each other’s company so much na we don’t wanna think about anything else.”
Aminado naman si Cassy na boyfriend material si Darren.
“I can say yes. Very, very selfless, very caring siya. And he really puts others before himself. That’s what I really like about him.
“And he’s a gentleman too,” paglalarawan ni Cassy sa Kapamilya singer.
Dahil wala pa silang pormal na relasyon, paano kung manligaw si Darren sa iba?
Sagot ni Cassy, “Siguro it’s not really my place to decide kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Gusto ko kung masaya siya, masaya rin ako.”