Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai delas Alas Louie Ignacio Ara Mina Quinn Carillo

Ai Ai-direk Louie swerte sa isa’t isa

HARD TALK
ni Pilar Mateo

JETLAGGED man mula sa kanyang long trip from San Francisco, California, USA ang Comedy Box Office Queen na si Ai Ai delas Alas very early bird ito sa story conference ng pelikulang gagawin niya sa ilalim ng 3:16 Media Network ni Len Carillo na Litrato.

Na hindi naman mangyayari kung hindi dahil kay Direk Louie Ignacio. Na gagawin lang ang pelikula kung si Ai Ai lang ang gaganap.

Malalim ang paghuhugutang tema ng pelikula. Tungkol sa Alzheimer’s.  At Dementia. Sa ikatlomg pagkakataon ng pagsasama nina direk Louie at Ai Ai sa masasabing passion project, gamay na gamay at alam na alam na nila ang kailangan ng isa’t isa sa gagawin nila. 

Kasama sa pelikula si Ara Mina, na gaganap na anak ni Ai Ai. At ang kanyang apo ay ang hindi muna pagsusulat ng script ang gagawin kundi ang pag-arte sa harap ng kamera na si Quinn Carillo. With 3:16 talents Rowan Diazand Duane DavidDexter Doria and Sir Bodjie Pascua.

Umuwi lang mula sa Amerika si Ai Ai para sa pelikula at sa pagsalang na mula sa The Clash na si Direk Louie rin ang kasama niya.

Mas madalas na sa Amerika si Ai Ai kasama ang partner na si Gerald Sibayan at mga anak. Si Sancho Vito lang ang nasa Pilipinas. Na siya ngayong sumasama-sama sa kanya at nag-aasikaso ng kanyang schedule, kung wala ring sariling taping o shoot.

Nang iabot kay Ai Ai ang script pagdating niya sa Relish Restaurant, engrossed na agad ito at tila nanamnam na ang katauhan ni Lola Edna. At sa storycon, ramdam na sa ‘di napigilang pag-iyak sa pagkawala ng mga mahal sa buhay ang naibulalas.

Idagdag pa ang ibinahagi niyang kuwento tungkol kay Sancho, nang nag-shoot ito sa isang facility o home care rito.

Tinawagan agad ako ng anak ko. Nasa facility center daw siya. Sabi niya, ‘Ma, I promise you, hinding-hindi kita dadalhin sa ganitong facility. Hindi ka namin pababayaan!

Kasi nakita at nakasama niya ‘yung mga matatanda, iniwan na ng pamilya, walang nag-aalaga. Kaya ako nagpapasalamat na lang sa mga blessing na dumarating sa buhay ko. Lalo na sa mga anak ko!”

At kuwento naman ni Direk Louie, nang tumungo na sila sa location kung saan sila magsu-shoot, nakita nila ang pangalan ni Ai Ai sa isang pavilion na ito ang nag-donate para maitayo. Na hindi na nga raw naalala ni Ai Ai nang ikuwento niya.

Sabi ni Ai Ai sa Anawim ‘yun na talagang nagbibigay siya ng tulong kay Bro. Bo Sanchez noon pa.

Solid ang Ai-Ai-Direk-Louie tandem. Awards ang kaakibat nila. Gaya sa Area at School Serbis. Hindi malayong ganito rin ang mangyari sa Litrato. Na isa pa muling acting piece.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …