Friday , November 15 2024
dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng Mabalacat City Police Station noong nakaraang Disyembre  3, 2022 ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad nitong Miyerkules, Enero 25 sa  Sitio Dungan, Brgy. Tabun, Mabalacat, Pampanga dakong alas- 3:40 ng madaling araw.

Ayon kay PRO3 Regional Director PBGeneral Cesar R. Pasiwen, ang napatay na suspek ay kinilalang si  Kenneth Flores na nagtangka pang tumakas habang pinapuputukan ang mga  police officers na magsisilbi ng Warrant of Arrest para sa kasong Double Murder laban sa kanya.

Dito na napilitang gumanti ang mga awtoridad at tinamaan si Flores na kahit duguan ay isinugod pa rin sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival samantalang narekober ng mga awtoriad sa crime scene ang isang caliber .45 pistol na kargado ng bala at isang hand grenade.

 Kaugnay nito ay pinuri ni PBGeneral Pasiwen ang  operating troops sa isa pang matagumpay na pagbaka laban sa krimen at idinagdag pa niyang ang hustisya ay makakamit na rin ng mga pinatay na pulis.

Aniya pa ay hindi sila titigil sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga sangkot sa pagkamatay ng kanilang dalawang PNP personnel at ang kanilang mga pagsisikap ay magiging matagumpay. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …