PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), ang Bulacan Police Provincial Office ay nagdaos ng Remembrance Ceremony kahapon, Enero 25, 2023, sa Camp General Alejo S Santos sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, na may temang “Legacy of Heroes: Inspiration for Future Generations.”
Ang wreath-laying ceremony ay pinangunahan ni Bulacan provincial director Police Colonel Relly Arnedo at Mr. Rey Kibete, na kapatid ng namayapang si PO3 Junrel Kibete, isa sa miyembro ng SAF 44 na nakapatay sa Malaysian terrorist at bomb maker na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, noong Enero 25, 2015, sa isinagawang counterterrorism operation sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.
Sa nasabing event, ang mensahe mula kay C,PNP, PGeneral Rodolfo Azurin Jr. ay ipinarating din na may taos sa pusong personal na mensahe.
Binigyang-diin ni PD Arnedo na huwag kalilimutan ang ipinakitang tapang at pagkamakabayan ng SAF 44 sa isinagawang terrorist operation sa Mamasapano. (MICKA BAUTISTA)