Sunday , December 22 2024
Sibuyas Onions

Kulang na cold storage, sanhi ng pagtaas ng presyo ng sibuyas

ITINURO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kakulangan ng mga pasilidad ng cold chain na nakakaapekto sa suplay at presyo ng sibuyas.

Sa isang pulong sa mga opisyal ng agrikultura sa Malacañang, iginiit ni FM Jr. ang pangangailangan ng industriya para sa higit pa sa mga pasilidad na iyon.

“We need more cold storage, we need a better, stronger cold chain para ma-maintain natin, ma-preserve naman natin ‘yung agricultural products,” sabi ng Pangulo sa isang video na ibinigay sa mga mamamahayag.

“So iyon ang mga plano, ‘yun ang mga ginawa namin para [sa] mga immediate needs doon sa ating mga nagtataasang presyo ng agricultural products,” he added.

Tiniyak din ni FM Jr. na tutulungan ng gobyerno ang mga magsasaka ng sibuyas sa pagtaas ng ani upang maging matatag ang supply at mapababa ang presyo ng mga bilihin.

“We’ll do this by increase the area that is being planting on onions, number one,” ayon sa kanya.

“At pangalawa, tutulong tayo ng – tutulong ang DA (Department of Agriculture) sa pamamagitan ng pagbibigay ng inputs. So the first part of that is we are going to the seed producers so that they will produce good seed that we can give to the farmers at some point. Iyon ang kanilang gamitin bilang inputs. And all that what they need,” the chief executive also said.

Ipinagpaliban ng DA ang pagpapalawig ng P250 suggested retail price dahil sa tinatayang mababang presyo ng mga sibuyas kasunod ng panahon ng ani.

Ang mga presyo ng sibuyas ay maaaring bumaba sa P100 hanggang P150 kada kilo sa pagpasok ng higit sa 5,000 metriko tonelada ng mga imported na sibuyas, sinabi ng departamento.

Noong Enero 10, inanunsyo ng DA ang pag-aangkat ng humigit-kumulang 22,000 MT ng sibuyas upang matugunan ang mataas na presyo at kakulangan ng suplay.

Para kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, nilaro ang presyo ng sibuyas kaya umabot ito sa P700 isang kilo noong Kapaskuhan mula sa P60 noong Mayo 2022.

“Definitely, nalaro ang presyo ng sibuyas. Ang presyo niya noong January 2022, P200. Bumaba iyan ng mga P60 noong Mayo at pagdating ng peak season noong Disyembre, P700 na,” sabi niya sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.

“Paano nalalaro? ‘Yung produce ng o ani ating mga magsasaka ng sibuyas, bibilhin ng February, March, April, nilalagay lang pala sa cold storage ‘yan, tapos Septembre, October, November, December ilalabas kasama na rin ang mga imported kasi wala ng harvest ang Pilipinong magsasaka ng sibuyas. So ganoon po ang nagyayari ‘dyan, that means kayang kontrolin ang pag-release, kayang laruin ang presyo,” paliwanag niya.

Dapat aniyang tukuyin na ng DA kung sino ang mga nasa likod ng manipulasyon ng presyo ng sibuyas.

Panawagan niya sa DA Anti-Smuggling Task Force, kumilos na lalo na’t may budget na itong mahigit P200 milyon ngayong taon. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …