MA at PA
ni Rommel Placente
NAKATUTUWANG malaman na in good terms na ngayon ang dating mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano.
Kinompirma ni Sunshine sa isang interview, na maayos ang relasyon niya kay Cesar, at sa partner ng aktor na si Kath Angeles.
Katunayan, sama-sama pa sila at mga anak nila na nagdiwang ng Bagong Taon sa Bohol.
Sa tanong kay Sunshine kung paano nga ba naging posible ang magandang relasyon nila ngayon ni Cesar, ang sagot niya, “Siguro because it’s been almost ten years ng separation namin. At kahit na anong lalim naman ‘yan, kapag nasugatan ka, naghi-heal, ‘di ba?
“So I think, in God’s perfect time, nag-heal kami pareho, and nakita namin na naging maligaya ang mga anak namin noong magkaroon ng relationship.”
Ayon pa kay Sunshine, nagsimula na maging okey na sila ng dating mister last year.
“It just started last year, 2022 na nagkaroon ng forgiveness and mismong ang mga anak ko nga, sa interview, sinasabi nila na ‘yung peace sa puso nila, nabuo nong nagkaroon sila ng relationship with their dad.
“And bilang mom, who am I not to be happy sa nangyari?”