Friday , November 15 2024
itak gulok taga dugo blood

Lolo nag-alta presyon, tinaga ang kainuman

NAHAHARAP sa kasong murder ang isang lalaki matapos pagtatagain ang kainuman sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 22 Enero.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Alex Suria, 50 anyos, ng Brgy. Upig, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, dakong 6:00 ng hapon kamakalawa, biglang uminit ang ulo ng suspek habang nakikipag-inuman sa hindi pinangalanang biktima sa hindi malamang dahilan.

Napag-alamang mabilis na nagpunta sa kanilang barracks ang suspek, kumuha ng itak at nang bumalik ay ilang beses na inundayan ng taga ang biktima na malubha niyang ikinasugat na dahilan upang bawian siya ng buhay.

Naghihimas na ng rehas na bakal ang suspek sa San Ildefonso MPS Jail na nakatakdang sampahan ng kasong murder sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …