Friday , November 15 2024
Omeng Ramos PDLs Staa Maria Bulacan

PDLs ng Sta. Maria, Bulacan inayudahan ni Mayor Omeng  

NAKATANGGAP ng sulat si Mayor Omeng Ramos mula sa mga kababayang kasalukuyang nakapiit sa Sta. Maria Municipal Jail na humihingi ng tulong para sa ilang persons deprived of liberty (PDLs) na walang gaanong dumadalaw at walang naghahatid ng tulong tulad ng pangkain sa araw-araw.

Agad itong tinugunan ni Mayor Omeng, kilalang may mabuting puso at kalooban sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Sta. Maria MDRRMO saka personal na inihatid ang tulong sa mga nasa kulungan.

Nakita ni Mayor Omeng ang damdamin at malasakit ng mga kababayang nakakulong sa bawat isa kaya sa munting paraan ay nagpaabot siya ng tulong sa kanila.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga kababayang PDL, ipinaalala niya na magpakabait at magbagong buhay dahil may pamahalaan  na handang umagapay sa kanilang muling pagsisimula. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …