Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

HVT na Chinese national nakorner sa buy-bust ops

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang dayuhang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 21 Enero.

Batay sa ulat ni P/Col. Juritz Rara, hepe ng Angeles CPO, nagsagawa ang mga operatiba ng Angeles City PS4 ng anti-illegal drug bust operation sa Brgy. Balibago na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Anping Hu, alyas Intsik, Chinese national, kasalukuyang naninirahan sa Gogo Hotel, Brgy. Pulung Maragul, sa nabanggit na lungsod.

Nasamsam mula sa suspek ang apat na piraso ng selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 15 gramo at tinatayang may halagang  P102,000; at P1,000 marked money.

Pahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa  Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nakatakdang isampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …