Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Calvin Reyes JC Santos

Calvin Reyes, idol si JC Santos

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG former Clique V member na si Calvin Reyes ay mapapanood very soon sa Sa Kanto Ng Langit at Lupa at A Cup of Flavor.

Ang cast ng unang pelikula ay pinangungunahan nina Sean de Guzman, Quinn Carrillo, Rob Guinto, Marco Gomez, at Jiad Arroyo. Kasama sina Mon Mendoza, Itan Rosales, Rowan Diaz, at iba pa. Ito ay mula sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Ang A Cup of Flavor ay tinatampukan naman nina JC Santos, Sean de Guzman, Barbie Imperial at Rowan Diaz. Mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, ito ay under ni Direk Ma-an L. Asuncion-Dagñalan at sa panulat ni.Quinn Carrillo.

Ang pinaka-memorable na movie project na natoka raw sa kanya ay ang Sa Kanto ng Langit at Lupa.

Pahayag ni Calvin, “Kasi maganda po yung role ko rito at madami po akong natutunan na aral kay direk Joel. Gangster at tulak ng shabu po ako rito na laging hinahanap o hinahabol si Sean na gumaganpa bilang si Kaloy. Kasi runner po namin siya rito at hindi niya agad naibibigay sa amin yung pera na pinagbentahan ng shabu.”

Sino ang idol niyang artista at wish sundan ang yapak?

Tugon niya, “Ang idol ko pong artista ay si JC Santos, lagi ko pong pinapanood mga movie nya at sa kanya po ako minsan kumukuha ng mga teknik sa pag-drama, hehehe.

Naka-eksena ba niya sa A Cup of Flavor si JC? “Hindi po, eh… Pero kung naka-eksena ko po siguro si kuya JC ay mae-excite na kakabahan po ako. Kasi, yung dating napapanood ko lang at idol ko pagdating sa actingan, makakasama at nakaharap ko na sa mismong pelikula,” lahad pa ni Calvin.

Nabanggit din niya ang wish mangyari sa kanyang showbiz career. “Ang wish ko po sana ay mabigyan po ako ng break at magtuloy-tuloy na po ang pagdating ng mga projects,” sambit pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …