ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
KAABANG-ABANG ang newbie singer na si Cedric Escobar na isang contract artist ng PolyEast Records at very soon ay ilulunsad ang single niya, at eventually ay ang kanyang album.
Ang forthcoming single ni Cedric ay pinamagatang Di Na Ba. Isang hugot song ito na base sa karanasan sa isang relasyon. Isinulat ito ni Paco Arespacochaga, drummer at singer ng bandang Introvoys na sumikat nang husto noong 90’s. Siya rin ang manager ni Cedric.
Paano siya napunta sa pangangalaga ni Paco?
Esplika ni Cedric, “Noong 2021 po ay na-feature ako sa Introvoys US tour nila and from then on ay parang may nakita po sa akin si Kuya Paco. So, minementor niya ako, isinasama niya ako sa mga gig nila at marami po akong natutunan sa pag-perform sa kanilang lahat.”
Aware ba siya na sikat na sikat noon ang Introvoys sa Filipinas?
Tugon niya, “Opo, siyempre po, lahat nang nakikilala ko, lahat sila ay sinasabi na ang Introvoys ang nagsimula ng 90’s revolution sa music sa Pilipinas.”
Ipinahayag din ni Cedric na sobrang saya niya na isang Paco Arespacochaga ang manager niya at nagtiwala sa kanya?
“Napakasaya po , kasi madami po akong nakikila sa pagkanta sa America, pero si Kuya Paco po iyong nag-go beyond what everybody else is doing, trinato talaga niya ako para i-mentor, para hasaain po. Siya po yung talagang lahat po ay ibinibigay niya para sa career ko, nakakatuwa, nakakataba po ng puso.”
May gagawin ba siyang covers ng Introvoys or ng ibang Pinoy artists?
“Lagi po naming napag-uusapan iyan at baka po magsama kami ng Introvoys song sa album ko. Pinag-iisipan po namin at super-open po ako roon, magandang opportunity po iyon para sa akin,” sambit pa ni Cedric.