Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cedric Escobar Paco Arespacochaga

Paco Arespacochaga na-ER bago nagbalik-LA

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BIGLAAN ‘yung uwi niya. Para sa mine-mentor na singer. Si Cedric Escobar.

Mabilisan nga ang mga pangyayari. Dahil sa Amerika pa lang, na nananahan si Paco Arespacochaga at pamilya (sa Los Angeles), at ang mga nakakasama na sa gigs ng Introvoys doon na si Cedric (na mula naman sa New York), umaandar na ang plano para sa huli.

May kasunduan na sa PolyEast Records. Kaya nang dumating sila ng Pilipinas, handa na rin ang kontrata para sa bagong singer.

Kaya ang schedule ni Paco ay sunod-sunod lang. Kasama na ang pakikipagkita sa iba pang musikero.  Paglalaan ng panahon sa mga paanyaya sa guestings sa sari-saring TV shows. Reunions. At ang paglagda ni Cedric sa PolyEast at pag-shoot ng music video nito.

Kaya noong gabing kasama niya si Wency Cornejo isang weekend, iba na ang pakiramdam nito. 

Para raw may mabigat na dumadagan sa dibdib niya. Kaya he was rushed to St. Luke’s. Over-fatigued ang na-haggard-o Versoza na drummer.

Kaya nag-alala ang misis nitong si Jaja. At next time, hindi na ito papayagang maglakbay ng hindi siya kasama.

Jet lagged. Kulang sa tulog. Baligtad na oras. At sunod-sunod na meetings, shoot, tapings.

Kaya pagsakay niya ng eroplano pabalik ng L.A., lulubusin niya ang tulog. 

Kampante si Paco sa nasimulan niya kay Cedric. At sa Pebrero sa pagbabalik niya kasama ang misis na si Jaja, ilulunsad na ang album at iba pang mga bagong kanta ni Cedric. Anim ang nagawa ni Paco, kasama na ang mauunang ilabas na Di Na Ba. At malamang planuhin na rin ang reunion muli ng kanyang bandang Introvoys. Mala-homecoming.

“Kulang ang time talaga. But ‘am happy na I was able to achieve the purpose of us, coming here. The goal of which is to help someone talented start achieving his dream.”

Aliw lang ang post ni Paco nang dalhin siya sa E.R. na halos dalawang oras pa siyang naghintay bago isalang sa mga tests. Mahaba kasi ang pila.

“Problema sa mga hyper focused na tao, ‘di marunong tumigil hangga’t di bumibigay ang katawan. Huwag tularan ‘yung naka black sa may pader! Ayun… dinala sa ER! Ayaw kasi magpahinga.”

Now, he knows better!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …