Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre

Nadine Lustre magiging palaban na sa buhay

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA estado niya ngayon, matapos ang 2022, masasabing maraming na-delete na bad things in her life ang bida ng biniyayaan sa box-office na Deleter nitong nagdaang MMFF (Metro Manila Film Festival 2022) na si Nadine Lustre.

Sa Thanksgiving Party tendered by Viva Films para sa Deleter sa Greyhound Café sa Rockwell, tahasang sinagot ng aktres ang mga paglilinaw sa kanyang pagbabalik ngayon sa nakasamaan ng loob na kompanya.

All’s well. At kahit para pa silang mga nananaginip ng mga kasama niya sa pelikula na sina Louise delos Reyes, Jeffrey Hidalgo, pati na ni Direk Mikhail Red ay hindi makapaniwala na tinangkilik na sila sa takilya eh, inulan pa sila ng mga parangal, buo na sa isip nilang lahat na magpatuloy ngayon sa kanilang trabaho. Mapa-TV man o pelikula.

Mukhang na-enjoy ni Jeff ang umarte kaya nga natuwa naman na may guesting na itong sasalangan. Gayundin si Louise. At si Direk naman eh, looking forward to a bigger project, ngayon nga at kumita ang kanilang pelikula.

Para kay Nadine, na kinikilala ngayon bilang multiple Best Actress awardee, Box Office Queen at Horror Queen, hindi na siya magho-hold back with the things that will still come her way.

Palaban! Kaya sa changes she’s making now at pagdi-delete na ng nga ka-toxic-an sa buhay, lalaban at lalaban na si Nadine. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …