MA at PA
ni Rommel Placente
GUSTO pala ni Herlene Budol na mas kilala bilang Hipon na magiging ninang ng baby nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na si Peanut. Pero may nakakalokang twist ang pagbo-volunteer ni Hipon.
Aniya, “Hi Peanut sana kunin akong ninang tapos daddy at mommy mo magbibigay sakin every year ng Pamasko!”
Nang mabasa naman ito ni Luis, agad siyang nagkomento ng, “Parang may iba ha!”
Hindi naman sinagot ng TV host kung kukunin ba niyang ninang ni Baby Peanut si Herlene.
Well, alam naman ni Luis na komedyana si Hipon, kaya siguradong hindi niya seseryosohin ang sinabi nito na gusto nitong maging ninang siya ni Peanut with matching kapalit o kasunduan, ‘di ba?