Friday , November 15 2024
marijuana

Sa Aklan
‘DAMO’ DINALA SA ATI-ATIHAN 2 KELOT TIMBOG

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nabistong may dalang marijuana sa gitna ng pagdiriwang ng 2023 Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo, lalawigan ng Aklan, nitong Linggo, 15 Enero.

Kinilala ng Kalibo police ang mga suspek na sina Glenn Reyes, 48 anyos, at Niño Dela Cruz, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Andagao, sa naturang bayan.

Nabuko ang dalang marijuana ng dalawang suspek sa isang checkpoint sa junction 19 Martyrs St. at L. Barrios St.

Nagtapos ang Ati-Atihan, tinaguriang “Mother of All Philippine Festivals” kahapon ng hapon sa pamamagitan ng street party.

Natagpuan sa bag ni Reyes ang marijuana na nakasilid sa isang zip-lock plastic bag.

Dinala ang dalawang suspek sa Kalibo MPS para sa kaukulang disposiyon at dokumentasyon.

Nakatakdang sampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …