Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Louise delos Reyes Mikhail Red Jeffrey Hidalgo

Nadine Lustre bagong Horror Queen, Deleter highest grossing horror movie sa ‘Pinas

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

CERTIFIED blockbuster at number-1 sa takilya ang pelikulang Deleter sa nagdaang MMFF 2022.

Aminado naman ang bida ritong si Nadine Lustre na hindi niya ito inaasahan at lutang pa rin daw siya sa mga kaganapan sa nagdaang annual filmfest, na sinungkit din niya ang Best Actress trophy.

Pahayag ng aktres, “Nakakikilabot kasi hindi po namin ine-expect, e. Kahit nga iyong tinatawag ang Deleter kapag nananalo ng awards sa MMFF awards night, ‘yung mukha ko parang, kaming mga magkakatabi roon nagtitinginan lang na, ‘Totoo ba itong nangyayari na ito?’

“Kasi wala sa aming nag-e-expect, so, sobrang blessings ito sa amin na ang daming nakuha ng Deleter na awards at ang daming nanonood ng pelikula. Sobrang grateful po ako,” sambit pa ni Nadine.

Bukod sa nanguna sa box office, gumawa rin ng kasaysayan ang pelikulang pinamahalaan ni Direk Mikhail Red dahil ito na ang highest grossing horror movie sa bansa ngayon. Naungusan na nito ang Feng Shui ni Kris Aquino.

Ayon sa ulat, ang Feng Shui 2 ay kumita ng P235-M. Sa mismong araw ng Thanksgiving ng mga nasa likod ng Deleter ay lumampas na ito sa P240-M.

Tiyak na madaragdagan pa ang box-office gross ng Deleter dahil extended ang pagpapalabas nito sa isandaang (100) sinehan sa buong Filipinas at magbubukas na rin ito sa mga cinema sa iba’t ibang bansa.

Ano ang reaction niya sa bansag sa kanyang Horror Queen? “Okay lang naman po sa akin kahit na ano pa ang itawag nila. Ayaw ko lang ma-typecast sa susunod kong projects,” wika ni Nadine na idinagdag pang mas gusto raw niyang gumawa ngayon ng out of the box roles para mas mahasa pa ang kakayahan sa pag-arte.

Siyempre pa, dahil sa malakas na hatak ni Nadine sa moviegoers, plantsado na ang follow-up movie niya sa Viva Films. Although sa ginanap na thanksgiving party ng Deleter ay ayaw pa itong sabihin muna ni Nadine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …