Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Borgy Manotoc

Lawmaking 101 kasama sina Senadora Imee at Borgy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAKAIBANG family bonding ang handog nina Senadora Imee Marcos at kanyang panganay na si Borgy Manotoc, sa isang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel ngayong Biyernes, Enero 13. 

Para sa espesyal na vlog entry na ito, magpapahinga muna sina Imee at Borgy sa kanilang masaya at nakakatawang mga adventures sapagkat pag-uusapan nila ang mga basics ng pagawa ng batas na mahalagang malaman ng bawat Pilipino.  

Sa tulong ng ang social media personality na si Juliana Parizcova-Segovia, ipapakita ng Senadora kay Borgy ang proseso kung paano gumawa ng batas gamit ang step-by-step procedure kung paano gawin ang Pinoy breakfast staple na longganisa bilang isang relatable na metaphor.  

Dahil halos 500 panukalang batas na ang kanyang naiakda sa Senado, ipinaglalaban ni Imee ang mga kababaihan; ang gender equality; kultura at sining; ang kahirapan at gutom at pati na rin ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda na ilan lamang sa mga adbokasiya na malapit sa kanyang puso.

Nais lagyan nang kaunting wit at kasiyahan ng vlog upang mapa-simple ang konsepto ng pagsusulat ng batas para mas maintidihan ng mga loyal YouTube subscribers ni Imee ang isa sa mga trabaho niya sa Senado sa isa sa kanyang pinaka-enlightening at informative vlog entries to date. 

Aalamin ang basics ng lawmaking at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …