Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Santos BeauteHaus Beautederm Rhea Tan

JC Santos lalong naging guwaping, hiyang sa BeauteHaus ng Beautederm

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAPANSIN namin na mas naging guwaping si J CSantos sa successful na opening ng BeauteHaus ng Beautederm noong January 8, 2023.

Bakit iba ang awra niya ngayon at lalong naging guwaping? Nakangiting sagot ni JC, “Inspired…and I think gusto ko itong 2023 na ito na bumalik iyong amor ko sa ginagawa ko ulit. And gusto kong ayusin ulit ang sarili ko.

“Specially, ngayon ay nasa BeauteHaus na ako at sila na ang gumagawa ng physical looks ko eh, at alagang-alaga ako sa kanila. Ngayon ay kailangan ko na lang alagaan ang reputasyon ko sa public at kung paano pa ako puwedeng gumaling as an actor.”

Pagpapatuloy pa ni JC na isa sa endorsers ng BeauteHaus , “Hiyang ako sa BeauteHaus at ang galing nila dahil sobrang high tech ng mga equipment nila rito. Tapos ay hindi naman siya invasive, so walang masakit and nag-eenjoy pa ako. Tapos, sobrang relax pa, kita nyo naman itong place, itong clinic nila, parang isang malaking-malaking sosyal na spa.

“Ang pinatanggal ko ay itong mahahaba (guhit sa mukha), kasi from the theater before, talagang kapag ngumingiti kami roon ay sobrang laki, so nagkaka-wrinkles talaga kami at iyon lang naman ang pinatanggal ko. Siyempre sinigurado ko na hindi ba makakaapekto iyon sa acting at sa pag-iyak, hindi naman daw. Kasi I think, portions lang naman ang ibino-botox nila rito, kung ano lang ang nakikita nila na may wrinkle, iyon lang iyon at hindi naman sobra, kaunti lang naman,” sambit pa niya..

Si JC ay mapapanood very soon sa pelikulangA Cup of Flavor kasama sina Sean de Guzman, Barbie Imperial at Rowan Diaz.Mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrollo, ito ay under ni Direk Ma-an L. Asuncion-Dagñalan. Pati na sa Dirty Linen simula January 23, 2023, 9:30PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z at TV5! Mapapanood din ito sa iWantTFC and TFC!

Speaking of Beautederm, congrats sa CEO and President nito na si Ms. Rhea Anicoche Tan sa successful na opening ng BeauteHaus ng Beautederm last Sunday. Ang bagong tahanan ng BeauteHaus Clinic  ay matatagpuan sa Lot 2 Blk. 19 corner San Jose and Mc Arthur Highway Santo Domingo, Angeles, Pampanga. Wazeable rin ito sa pin na Beautederm Headquarters. 

Bukod kay JC at misis na si Shyleena, present dito sina Beauty Gonzales, Jelai Andres, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Sunshine Garcia, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Sherilyn Reyes Tan, Ryle Santiago, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alma Concepcion, Trina Candaza, at DJ Chacha na nagsilbi ring host ng event.

Super-ganda ng bagong building ng Beautederm at talagang animo nasa Five Star hotel ka sa pagpasok dito. Bukod sa main office ng Beautederm,  ipinagmamalaki rito ng BeauteHaus Clinic ang kanilang state of the art machines, equipments, at aesthetic services gaya ng Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu, at Beautédrips. Pati na ang kanilang premium machines tulad ng Ulthera at Vivace na patok na patok ngayon sa beauty industry.

Nasa building din ang Beaute Beanery na nagse-serve ng masasarap na pagkain, drinks, at ng variety of coffee mixes. Para naman sa mga mamahaling bags at branded items ay nandiyan ang A-List Avenue. Mayroon ding sariling studio ang Beautederm para sa kanilang photo at video shoots. Hindi lang ito para sa kanilang celebrity endorsers dahil puwedeng i-rent din ito ng iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …