TINUPOK ng apoy nitong Martes ng gabi, 10 Enero, ang hindi bababa sa 30 bahay sa sunog na naganap sa lungsod ng Dasmariñas, lalawigan ng Cavite.
Ayon sa spot report ng CALABARZON police, nagsimula ang sunog dakong 6:10 am kamakalawa at natupok ang isang residential area sa Brgy. Paliparan Site 3.
Sa ulat ng pulisya, biglang may narinig na malakas na pagsabog ang mga residente hanggang sunod nilang nakita ang malaking apoy.
Sa tala ng Philippine Red Cross (PRC) Cavite chapter, isang residente ang nakaranas ng second degree burn.
Ayon sa PRC, nawalan ng tirahan ang may 54 pamilya at kasalukuyang nakasilong sa evacuation center ng pamahalaan.
Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.