ISINISI sa masamang lagay ng panahon, kaya ikinansela ang mga biyahe at pansamantalang isinara ang Zamboanga International Airport, sa lungsod ng Zamboanga nitong Miyerkoles, 11 Enero.
Ani Jimmy Santos, manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sarado ang runway sa mga fixed-wing aircraft dahil sa pagbaha kaya kanselado ang mga commercial flights kahapon.
Dagdag niya, inilipat ang mga commercial flights dito patungo sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Davao makaraang ligtas na makalapag ang flight ng Cebu Pacific na 5J517 mula Davao at ng Philippine Airlines na PR2993 mula Maynila.
Dumeretspo ang Cebu Pacific flight 5J851 mula Maynila at flight 5J840 mula Tawi-Tawi sa Cagayan de Oro, habang lumipat ang Air Asia flight Z2651 mula Maynila sa Davao.