Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elisse Joson, McCoy de Leon, McLisse

Daddy Mark hiyang-hiya sa paghihiwalay nina McCoy at Elisse

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI ang may gustong malaman, lalo na ang mga Marites, kung ano ba talaga ang tunay na dahilan kung bakit naghiwalay sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Ayon kay McCoy, walang third party sa hiwalayan nila ni Elisse. 

Sagot niya ito sa sinasabing ang TikTok personality na si Mary Joy Santiago ang bago niyang karelasyon. 

Si Ogie Diaz, gusto ring malaman ang tunay na dahilan kung bakit nagkanya-kanya na ng landas sina McCoy at Elisse.

At dahil malapit niyang kaibigan ang daddy ni McCoy na si Mark, tinext niya ito para alamin kung bakit nakipaghiwalay ang anak kay Elisse.

Sa reply ni Mark kay Ogie, humingi ito ng paumanhin dahil hindi pa siya makapagbibigay ng komento sa hiwalayan ng dalawa. Pero hiyang-hiya umano ito sa nangyari.

Text back ni  Mark kay Ogie, “Pasensya na boss Ogs, sa ngayon hindi po ako makakapagsalita.

“Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po.”

At least ang daddy Mark ni McCoy, no comment sa paghihiwalay nina McCoy at Elisse. Hindi katulad ni Rey Abellana, na ikinuwento kung bakit naghiwalay noon ang anak na si Carla Abellana at Tom Rodriguez. Na naging dahilan para magalit si Carla sa kanya, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …