Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodrigo Duterte Bongbong Marcos

Narco-list ni Duterte,  walang nangyari – FM Jr.

PINASARINGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang isinulong na drug war ng administrasyong Duterte na walang nangyari sa ilang beses na inilabas na narco-list kaya’t may mga opisyal pa rin ng Philippine National Police (PNP) na hanggang ngayo’y sangkot sa illegal drugs.

Sinabi ng Pangulo, ibang approach ang ginagawa ng kanyang administrasyon sa kampanya kontra illegal drugs na mangalap ng matitibay na ebidensiya upang maging malakas ang kasong isasampa laban sa mga opisyal ng PNP na sabit sa drug trafficking.

“We have to build a case. And ‘yung haka-haka lang, chismis-chismis lang. ‘Ito involved ito, ito involved diyan.’ Dinaanan na natin ‘yan e. Walang nangyari,” ani Marcos sa panayam sa media sa NAIA Terminal 3.

Matatandaan, naging bisyo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na basahin sa publiko ang narco-list o listahan ng mga opisyal ng PNP, politico, at ilang personalidad na sabit umano sa illegal drugs ngunit hanggang natapos ang kanyang administrasyon, hindi napaulat kung ilan o may sinampahan sa kanila ng kaso.

Inamin ni marcos, siya ang nag-utos kay Interior Secretary Benhur Abalos na hilingin ang courtesy resignation ng mga heneral at full colonel sa PNP upang mabusisi ang kanilang record, matukoy at mapurga ang pambansang pulisya sa mga sangkot sa drug trade.

Magbubuo aniya ang DILG ng isang commission na bubusisi sa record ng lahat ng opisyal at ang mga mapapatunayang hindi sangkot ay ibabalik sa puwesto habang sasampahan ng kaso ang sabit sa drug trade.

“Kasi hindi pa natin na-identify. We are going to form a commission. We asked for the resignation, the courtesy resignations. We will form a commission and we will look into the records of all of the officers as we slowly reinstate those who are clear and maybe, we will have to decide what do we do with those that are implicated to being invovled in the drug trade. So ‘yung… Siguro ‘yung mga severe cases kakasuhan natin,” aniya.

Magugunitang nakompiska ang isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon mula kay Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr., isang intelligence officer na nakatalaga sa PNP-Drug Enforcement Group’s (PNP-DEG) Special Operations Unit sa National Capital Region noong Oktubre 2022 sa Maynila.

Noong 31 May 2022, si Mayo ay best senior police non-commissioned officer ng PNP-DEG ni noo’y PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao, Jr.

Napaulat na nakahanda si Mayo para isiwalat ang nalalaman niya sa illegal drug operations at mga sangkot na opisyal sa likod nila. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …