Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Borgy Manotoc

Ukay-ukay hacks ni Sen. Imee alamin, panoorin din ang kanyang festival hopping

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BILANG pagsalubong sa year 2023 ni Senator Imee Marcos, dalawang bagong vlogs sa Enero 6 at 7 ang libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.

Sa Enero 6 (Biyernes), muling uupo si Imee sa isa sa pinakapaborito niyang vlogging partners, ang kanyang anak na si Borgy Manotoc, kung saan magbibigay sila ng helpful tips at hacks kung paano i-maximize ang pinaka-bonggang ukay-ukay shopping experience.

Bilang pareho silang style icons, tutulungan nina Imee at Borgy ang mga YouTubers kung paano mamili sa ukay-ukay fashion maze upang makakuha ng best deals at at pinakamagandang fashion finds para mapag-ibayo ang wardrobe ng kahit na sino – nang magaan sa bulsa para sa panalong mga new looks ngayong 2023.

Festive mode naman si Imee sa pagdadala niya sa kanyang mga subscribers sa Cavite at Rizal upang ipagdiwang ang pamosong piesta ng Higantes and Paru-Paru.

Namigay ang Senadora ng ayuda sa mga Caviteño at Rizaleño upang opisyal na simulan ang bagong yugto ng kanyang vlogging ngayong Enero.

Alamin ang trade secrets ng ukay-ukay shopping at makisaya kay Imee sa kanyang festival hopping at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …