Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nick Vera Perez Erika Mae Salas

The Total International Entertainer Nick Vera Perez, kaabang-abang ang mga paparating na pasabog

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUCCESSFUL ang ginanap ang 1 Night Only Christmas dinner concert ng Total International Entertainer na si Nick Vera Perez sa Rembrandt Hotel last Christmas.

Very evident ang husay ni Nick as a singer, wala siyang kupas ‘ika nga. Pinabilib ni Nick ang audience sa kanyang kakaiba at very lively show, na may audience participation pa.

Very touching ang rendition ni Nick ng I’ll Be Home for Christmas dahil umuwi siya ng bansa mula sa Chicago, Illinois para magbigay saya sa kanyang mga tagahanga, kaibigan, at mga taga-media.

Pahayag niya sa ginanap na press conference bago ang kanyang show, “I want to see people’s faces happy. It’s my happiness when I see people smile. In the Philippines, it’s about spending time with my family. Before, its all shows pero ngayon it’s about family.”

Bahagi rin sa nagbigay aliw dito ang kapatid ni Nick na si Michael Philips na isang certified recording artist, kasama sina JC Palanas, David Briones, Lumina Klum, Hannah Shayne Banzon, at Erika Mae Salas.

Kitang-kita rin kung gaano kasaya si Nick dahil after 30 years ay nakapagdiwang siya ng Pasko sa Filipinas.

Pahayag niya sa nauna naming panayam, “Usually, June or August ako nandito. This time, gusto naman naming ma-experience ang Pasko rito. Kaya kahit puwede namang sa ibang bansa namin ito i-celebrate ni Mama, rito na rin siya magse-celebrate ng 76th birthday niya.”

Samantala, naging emosyonal ang marami sa ginawa niyang sorpresa sa show para sa kanyang ina. Nagpasalamat din si Mommy Visitacion Tan sa kanyang anak dahil sa love at support na ibinigay nito lalo na nang nagkasakit ang mahal na ina ni Nick.

Dapat saluduhan dahil tunay na ulirang anak si Nick, na iniwan ang kanyang trabaho sa US para full time at personal na alagaan ang mahal niyang ina, nang nagkasakit. Gaano karaming anak kaya ang kayang gawin ang ganito?

Anyway, maraming pinasaya si Nick sa napaka-meaningful na Christmas 2022 celebration na kanyang handog sa mga movie press, NVP Angels, special guests, at mga manonood na kasali sa kantahan, masayang games, at bonggang raffle. Talagang a night to remember ang naturang event.

Bahagi rin ng highlight ng naturang event ang NVP Angels sa pamamagitan ng pagkorona kina Ms. Tine Parinas (Ms. NVP1SmileWorld 2020) at Ms. Chung Chai -Yu (Ms. NVP1SmileWorld 2022). Present din si Yadni Gumera Oledom (Ms. NVP1SmileWorld2019.)

Kung tinapos ni Nick ang 2022 na may matinding pasabog, sa pagpasok ng 2023 ay inaasahan na mas maraming aabangan sa kanya. Naghahanda na kasi nang mas matinding pasabog si Nick sa susunod na birthday concert niya sa October 20, 2023 dahil target niyang maging special guest dito ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid! Wow!

Goodluck sa iyo Nick and more blessings and more power to you.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …