Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
McCoy de Leon Elisse Joson Felize McKenzie

MCCOY MADAMDAMIN ANG MENSAHE SA ANAK
— Sana ‘wag magbago tingin kay daddy, sana maikuwento ko sau lahat

MA at PA
ni Rommel Placente

HIWALAY na pala sina McCoy de Leon at Elisse Joson. Ang aktor mismo ang nagkompirma nito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Nagsalita si McCoy dahil sa kumakalat na screenshot ng umano’y pakikipag-usap niya sa social media influencer na si Mary Joy Santiago.

May kumakalat kasing screenshot ng conversation na makikitang nag-‘I love you’ ang aktor base sa profile picture sa screenshot na pinabulaanan naman niya at marahil ay edited lamang.

“Hindi po totoo ‘yung mga convo na kumakalat, hindi po ako ‘yun. Pasensya na po ulit,” saad ni McCoy.

Kasunod nito ang kanyang kompirmasyon na tuluyan na nga silang naghiwalay ni Elisse.

 “Wala pong involved na ibang tao sa pinakarason kung bakit kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo,”dagdag pa ni McCoy.

Hirit pa niya, “Hindi ko po intensiyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”

Kahapon din napansin ng mga netizen na in-edit ng aktor ang kanyang caption sa latest Instagram post niya na kasama ang anak na si Felize McKenzie.

“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Don’t worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy,” sey ni McCoy.

Dito ay inamin din ng aktor na matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap ang kanilang anak.

Lahad pa ni McCoy, “Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na….anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra….hug na mahigpit.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …