MA at PA
ni Rommel Placente
NASA bansa ngayon si BB Gandanghari. Umuwi siya rito mula sa ilang taong pamamalagi sa America para makasama sa pag-celebrate ng Pasko ang kanyang pamilya.
“What a comeback! I am very, very excited finally! After seven years, I was able to see my mom again, my brothers, and all of you guys. Alam niyo naman sa America, simpleng tao tayo roon and I am here again,” ang tuwang-tuwang pahayag ni BB sa isang interview sa kanya.
Super happy at nagpapasalamat si BB na nabigyan siya ng pagkakataon na makauwi sa Pilipinas makalipas ang ilang taong pamamalagi sa Amerika.
Aniya, baka ma-extend nang ma-extend ang pamamalagi niya sa bansa dahil sa dami ng offer na magbalik-showbiz.
“Mayroong offer and hopefully matuloy lahat ‘yun, mayroon ding offer na pelikula, sana matuloy din,” sey ni BB.
Kung mabibigyan ng chance, gustong-gustong makasama ni BB sa isang teleserye o pelikula ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.
Dream come true para sa kanya kung sakaling makatrabaho niya ang boyfriend ni Kathryn Bernardo.
Samantala, happy din si BB na tanggap na tanggap na siya ngayon ng mga Filipino pati na rin ang iba pang miyembro ng LGBTQIA+ community.
“Kung napanood niyo ang vlog ko na nagpunta ako ng Binondo. Lumakad ako roon walang nambastos. Not even once and everyone is very welcoming and loving so I can’t really asked for more,” kuwento pa niya.