Sunday , December 22 2024

Pagsalubong sa 2023, generally peaceful — Gen. Torre III

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

IYAN ang pahayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Nicolas D Torre III… “the New Year revelries in Quezon City was generally peaceful.”

Totoo naman ang pahayag ng opisyal dahil wala naman pong napabalita na masasabing sensitibong pangyayari sa nagdaang pagsalubong sa bagong taon. Walang mga nangyaring karumadumal na krimen at mga tulad nito bunga ng mahigpit at pinaigting na pagbabantay ng QCPD sa buong lungsod.

Katunayan, bago pa ang pagsalubong ay naging maigitng na ng kampanya ng QCPD hindi lamang laban sa krimen kung hindi sa inaasahang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok. Hindi naman siguro lingid sa inyong kaalman my dear readers na hindi maganda ang idinudulot ng malalakas na paputok o itong mga ipinagbabawal.

Bagaman, sadyang may mga nalalabi pang matitigas ang ulo. Nakadedesmaya nga lang dahil taong gobyerno pa ang lumabag sa panawagan na bawal ang magpaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon. E anong nangyri, hayun isang miyembro ng Philippine Coast Guard ang walang habas na nagpaputok ng kanyang baril ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Pero ang good news dito, agad naman nadakip ng mga tauhan ni Torre sa QCPD Pasong Putik Police Station 16 na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Vicente Bumalay, Jr., ang suspek. Mabuti naman! Sibakin na sa serbisyo iyan. Sino? Siyempre iyong naarestong Coast Guard. Matik na iyan! Huwag naman agad-agad. Idaan muna sa due process ang lahat. Iyan ang tama para naman kahit na paano ay marinig ang panig ni PCG man.

Sabi ni Torre, maliban sa kasong indiscriminate firing at tatlong firecraker related-injuries, walang naitalang malaking kaso o insidnte.

“Except for one reported indiscriminate firing and 3 firecracker related-injuries, there were no other major untoward incidents recorded,” pahayag ni Torre.

Siyempre, iyan ay bunga ng mahigpit na direktiba ni Torre sa kanyang mga commander at division chiefs na doblehin ang pagbabantay sa lungsod sa pagsalubong ng bagong taon.

Balik tayo kay kolokoy – iyong inarestong kagawad ng PCG.

Sa ulat ni Bumalay kay Torre, ang inaresto ay kinilalang si Ferdinand Bagundol, 40, miyembro ng Philippine Coast Guard at nakatalaga sa General Services Division, Coast Guard Base Parola, at residente sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

As usual, hinalang nakainom ng alak nang arestohin ng mga nagpapatrolyang pulis ng PS-16 si Bagundol habang walang habas na nagpapaputok ng baril. Siya ay dinakip dakong 8:37 pm, ng December 31, sa harap ng Block 8 Lot 16, Don Ramon St., Hobart Subd., Brgy. Kaligayahan, Quezon City. Nakompiska mula sa suspek ang isang caliber .99 pistol, dalawang magazines na may pitong bala at pitong basyo ng bala mula sa pinaputok na baril.

Ayon kay Torre, ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 11926 or Wilful and Indiscriminate Discharge of Firearms and R.A. 10591 or the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

At siyempre, tiyak na mahaharap din si Bagundol sa kasong administratibo. Naku po, dito na mamemeligro kung sisibakin sa serbisyo ang mama.

Samantala, sa ulat ng QCPD…kung ikokompura ang sitwasyon sa pagsalubong sa 2022 at pagsalubong sa 2023, malaki ang ibinaba ng insidente kaugnay sa mga naputukan ng paputok.

“Compared to last year, we have recorded lesser victims of firecracker-related injuries. This could be attributed to our intensified campaign against illegal firecrackers and pyrotechnics which resulted in the confiscation of almost a million worth of prohibited firecrackers,” pahayag ni Torre.

Dagdag ng opisyal, “Malaking bagay po talaga iyong pagkontrol ng ating QC-LGU hingil sa paggamit ng paputok at pagsasagawa ng sariling fireworks display ng mga pribadong kabahayan at bagkus ay nagkaroon na lamang ng designated area tulad ng Quezon Memorial Circle at piling malls tulad ng Eastwood, SM and Robinsons, dahil dito mas nababantayan ng pulisya itong mga area na ito.”

Samantala, sinabi ni Torre, sa kabila ng kanilang pagkaabala sa pagbabantay sa pagsalubong ng 2023 ay nagpatuloy pa rin ang mahigit na kampanya ng QCPD laban sa ilegal na droga at kriminalidad.

“The QCPD’s intensified campaign against drugs and anti-criminality also helped in the maintenance of a very peaceful celebration of the New Year,” pahayag ni Torre.

Sa pakikiisa ng nakararami sa kampanya laban sa paggamit ng paputok, nagpapasalamat  ang opisyal sa mamamayan ng lungsod sa pagsuporta sa panawagan ng pulisya dahilan para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lungsod partikular sa nagdaang pagsalubong sa Bagong Taon.

“Gayondin, binabati ko ang ating mamamayan, lubos akong nagpapasalamat sa kanilang kooperasyon at pakikiisa upang maging maayos at payapa ang ating pagsalubong sa Bagong Taon. Muli, isang mapagpala at manigong Bagong Taon sa ating lahat,” saad niya.

Sa inyon naman Gen. Torre, sampu ng inyong mga opisyal at kagawad, saludo kami sa inyo. Salamat sa inyong sinserong serbisyo sa mamamayan. Happy New Year and God Bless us all.

Proud to be QCPD!

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …