COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAALIW naman kami sa mini concert ni Nick Vera Perez na idinaos noong Christmas Day sa ballroom ng Rembrandt Hotel. Ito ay bilang tribute sa ina na dinapuan ng sakit na siya mismo ang nag-alaga.
Si Nick ay isang professional Nurse sa Chicago, Illinois at kayang-kaya niyang ikuha ng caregiver ang ina pero mas gusto niyang siya ang mag-alaga sa sobrang pagmamahal sa ina.
Ang pagiging singer ang alternative niyang gawain bukod sa pagiging Nurse. May talent agency rin sa Pilipinas si Nick na tumutulong sa mga baguhan.
Bukod sa mga kamag-anak at kaibigan ay marami ring kasamahan sa panulat ang dumalo sa concert kahit na Paskong-Pasko. Pinatutunayan lang na maraming nagmamahal sa kanya.