Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Matet de Leon Lotlot de Leon

Lotlot positibong magkaka-ayos din sina Nora at Matet

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGING mainit na usapin ang hidwaan nina Matet at inang si Nora Aunor.

Nagsimula ito nang mag-rant si Matet ng pagkadesmaya kay Ate Guy dahil umano sa kinompitensiya raw nito ang negosyo niyang gourmet.

Nakapagsalita ng masasakit si Matet against Ate Guy.

Sa nangyaring ito, saan nga ba nakaposisyon si Lotlot de Leon? Sa ina ba siya nakapanig o sa kapatid na si Matet?

Alam niyo pagdating sa pamilya walang panalo. I guess it’s a matter of looking at the bigger picture. May dahilan ang lahat. That’s how I look at it na lang. I hope eventually maayos ang dapat maayos,” sabi ni Lotlot nang makausap siya ng press sa media conference ng pelikula nilang That Boy in the Dark na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso.

Hindi rin masasabi ng aktres na pumapagitna siya. 

Ganito na lang. Wala sa kapatid ko ang masasama ang ugali. Lahat ng kapatid ko, sina Ian, Ken, Matet, sobrang magaganda ang puso niyan kasi si mommy din ang nagturo sa kanila na maging maganda ang puso. Mga kapatid ko are all good people and willing to sacrifice. 

Minsan kung may mga nabibitawang salita maybe thats’s because of whatever pain, miscommunication, ‘yung mga natatago ba na hindi nasasabi but family is family and at the end of the day wala namang hindi naaayos.”

Hindi rin nila masyadong napag-uusapan ni Matet ang tungkol sa nangyari.

Parang okay naman siya. Tahimik lang siya. Nagbatian kami ng Merry Christmas. You know proseso ‘yan eh. Hindi ko pwedeng sabihin kay Matet kung anong dapat niyang maramdaman. Kanya-kanya tayo.”

Bagaman nalulungkot siya na nakatatanggap ng matitinding bash si Matet,  nakare-relate siya dahil nangyari na rin ito sa kanya ng maraming beses. 

Gaya ng mga napabalita, totoong okay na sila ni Ate Guy. Kinalimutan na nila ang tampuhan nila noon.

Nagkita kami ni mommy bago mag-Pasko. Previous to that ilang beses na rin  kami nagkita. During Christmas I spent the eve with the kids after I cooked I said ‘can I drop by’ and then sabi niya masama pakiramdam niya so sabi ko ‘pag okay na lang siya.”

Sa huli sinabi ni Lotlot na sa katapusan ang pamilya ay pamilya pa rin at positibo siyang maayos din ang lahat .

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …