Sunday , December 22 2024

Hamon ni Abalos
RESIGNATION NG GENERALS, FULL COLONELS
PNP ‘linisin’ vs illegal drugs

010523 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., sa mga heneral at full colonel ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang courtesy resignation.

Bahagi aniya ito ng pagsusumikap ng pamahalaan na malinis ang hanay ng pulisya mula sa mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade.

Sa isang pulong balitaan, nagpahayag rin ng pagkabahala si Abalos hinggil sa pagkakasangkot ng ilang matataas na opisyal ng pulis sa naturang ilegal na aktibidad.

“Ako ay nananawagan sa lahat ng full colonel hanggang sa general, ako ay umaapela na mag-submit ng courtesy resignation. Alam kong mabibigla kayo pero this is the only way to make a fresh start,” ayon kay Abalos.

Ani Abalos, mayroong humigit-kumulang sa 300 full colonels at generals sa PNP at umaasa aniya siyang susuportahan nila ang kanyang panawagan.

Dagdag ni Abalos, isang komite na may limang miyembro ang magrerebyu ng resignasyon ng police officers.

Gayonman, tumanggi muna si Abalos na tukuyin kung sino-sino ang mga magiging miyembro ng komite ngunit inilinaw na hindi siya kabilang dito.

               “This is a very radical move, but we have to do this,” aniya.

Nabatid rin mula kay Abalos na ang ganitong hakbang ay ginawa na rin ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1992 ngunit may kinalaman naman ito sa ibang isyu.

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …