SUGATAN ang dalawa katao matapos matamaan ng isang welder ang ilang flammable products ng kanyang welding machine tip na sanhi ng biglaang pagsabog sa loob ng KARRJ Motor Parts and Marketing, sa bayan ng Sudipen, lalawigan ng La Union, nitong Martes, 3 Enero.
Kinilala ng La Union PPO ang mga sugatang sina Danilo Ortiz, 47 anyos; at Sanny Galduen, 48 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Namaltugan, sa naturang bayan.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, nagwe-welding si Galduen ng isang steel cabinet nang tumalsik ang apoy mula sa welding tip sa mga flammable products kabilang ang mga pintura.
Dito sumabog ang mga produkto na sanhi ng pagkakasugat nina Galduen at Ortiz.
Nilapatan ng paunang lunas ang dalawang biktima bago dinala sa pagamutan.
Agad nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (NFP) katuwang ang Philippine National Police (PNP) upang mapatay ang sunog na tuluyang naapula dakong 10:50 am.