MA at PA
ni Rommel Placente
NALAGAY pala sa peligro ang buhay ng TV host at news anchor na si Christine Bersola-Babao nang dahil sa pagkain ng pancake.
Naikuwento ni Christine ang nangyari sa kanya kamakailan sa pamamagitan ng isang YouTube vlog para magsilbi ring babala sa mga tulad niyang may allergy.
Ayon kay Christine, isinugod siya sa ospital ng mister na si Julius Babao matapos kumain ng pancake na naging dahilan para atikihin siya ng matinding allergy.
Sey ng TV host, hindi siya makatulog matapos mangyari ang insidente kaya nagdesisyon siyang ibahagi ang naranasang health scare.
“Hi Guys! ‘Di ako makatulog kagabi so I decided to share my current life happenings to you via this video. Sana makatulong din sa inyo itong experience ko. I Purple You,” simulang pahayag ni Tin.
Agad siyang nagpadala sa St. Luke’s Medical Center nang makaramdam ng kakaiba pagkatapos lumafang ng pancakes sa kanilang bahay.