COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAKATSIKAHAN namin ang butihing ina ni Toni Gonzaga tungkol sa naging kotrobersiya nina Alex at Ms Dina Bonnevie.
Matagal na palang pangyayari ‘yun at ang may kasalanan pala ay ang TC ng teleserye.
Noong araw na ‘yun ay sinabihan na pala ng kampo ni Alex ang production na sa hapon na siya makasisipot at may duty siya sa araw na ‘yun bilang isang Nurse. Nawala siguro sa isip ng TC at nai-calltime ng maaga si Ms Dina.
Pinagalitan naman si Alex ng parents niya sa word na ginamit nito sa magandang aktres. Hindi raw talaga maganda sa pandinig ng aktres ‘yun. Gusto raw sabihin ni Alex na veteran actress pero nablangko ang kapatid ni Toni nang mga oras na ‘yun.
‘Yun daw ang ibig sabihin ni Alex.
Well nangyari na ang hindi dapat.