Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

12 drug users arestado, ‘batakan’ binaklas 9 pasaway naiselda

ARESTADO ang 12 indibidwal na naaktohang bumabatak ng ilegal na droga sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 3 Enero.

Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 9:00 pm kamakalawa nang magkasa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng San Jose del Monte CPS sa Barrio Mausok Compound, Area B, Purok 1, Brgy. Bagong Buhay 1, sa nabanggit na lungsod.

Nagresulta ang operasyon sa pagkabaklas ng isang ‘batakan’ (drug den) at pagkakadakip sa 12 drug users sa naturang barangay.

Kinilala ang mga suspek na sina Dominick Torente, 20 anyos; Edwin Diaropa, 45 anyos; Marvin Aguas, 35 anyos; Raymond Barro, 36 anyos; Carolyn Broto, 32 anyos; Crizaldy Cabrera, 40 anyos; Jobert Baccay, 30 anyos; Jose Arca, 29 anyos; Bernardo Tenerife, 56 anyos; Jefferson Estandian, 32 anyos; Ricardo Gonzales, 60 anyos; at Victor Evangelista, 45 anyos.

Nakompiska mula sa mga suspek ang drug paraphernalia, marked money, at 33 pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P26,000 at tumitimbang ng mahigit sa apat na gramo.

Gayondin, nasukol ang lima pang drug peddlers sa ikinasang serye ng mga drug sting operation ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng police stations ng Plaridel, Guiguinto, at Bocaue kung saan nakompiska ang 13 pakete ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Samantala, nadakip ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa provincial-level na kinilalang si alyas Cyrus, isang Child in Conflict with the Law (CICL), mula sa Brgy. San Agustin, sa lungsod ng Malolos.

Ayon sa warrant na inilabas ng Malolos City RTC Branch 4, wanted si alyas Cyrus sa kasong Lascivious Conduct na paglabag sa Section 5 (B) ng RA 7610.

Naaresto ng mga tracker team mula sa mga police stations ng San Rafael, Hagonoy, at San Ildefonso ang tatlong wanted na indibidwal matapos isilbi ang arrest warrants sa iba’t ibang paglabag sa batas. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …