Monday , December 23 2024
Bongbong Marcos Xi Jinping

Bilyones na smuggled agri products isama sa agenda ni Marcos kay Xi

NANAWAGAN ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., isama sa agenda sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang talamak na smuggling ng mga produktong agrikultural, partikular ang sibuyas, mula sa China.

Giit ng KMP, habang ang China ang nangungunang kasosyo sa kalakalan ng Filipinas noong 2021, umiiral pa rin ang napakalawak na ilegal na kalakalan.

Ang mga smuggled na sibuyas mula sa China, ayon sa KMP, ay nagbunsod ng ‘nakaaalarmang’ pagtaas ng presyo ng mga tingian ng sibuyas na aabot sa P700 kada kilo sa ilang lokal na pamilihan.

Ayon kay KMP Chairman Danilo Ramos, bilang kalihim rin ng agrikultura, marapat kay FM, Jr., na diplomatikong tawagan ang atensiyon ng mga awtoridad ng China hinggil sa walang pigil, malakihang pagpupuslit ng bilyon-bilyong halaga ng mga gulay mula sa China.

Nanawagan din siya sa tagapagpatupad ng batas ng China na palakasin ang mga pagsisikap nito upang pigilan, supilin, at itapon ang lahat ng aktibidad at krimen ng smuggling sa kanilang mga lugar na kinokontrol ng Customs at mga iniresetang lugar sa baybayin o hangganan, lalo sa Hong Kong.

“Alam natin na ang customs ng China ay nagsasagawa ng mabibigat na mga patakaran laban sa smuggling. They should do their very best in apprehending big-time Chinese smuggling syndicates na kasabwat ng mga lokal na smuggler,” dagdag ni Ramos.

Ang Filipinas aniya ay nawawalan ng bilyon-bilyong halaga ng kita dahil sa sunod-sunod na aktibidad ng smuggling – pangunahin mula sa Hong Kong at Tsina.

Nauna nang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, isang sindikato na pinamumunuan ng China ang nasa likod ng pagpupuslit ng mga produktong agrikultural sa Filipinas at nangakong tutulong sa pagsusulong ng mga pagsisikap para sa Kamara  na sugpuin ang ‘mafia.’

Sinabi ng Bureau of Customs (BoC), nakompiska nito ang P23.5 bilyong halaga ng mga kontrabandong kalakal, kabilang ang iba’t ibang produktong agrikultural mula Enero hanggang 22 Disyembre 2022.

Nagpunta kahapon si FM, Jr., sa China para sa dalawang araw na state visit na ang layunin ay palakasin ang estratehikong kooperasyon partikular sa larangan ng agrikultura, enerhiya, impraestruktuta, gayondin sa kalakalan at pamumuhunan.

“As I leave for Beijing, I will be opening a new chapter in our Comprehensive Strategic Cooperation with China. We will seek to foster meaningful relation and broaden our cooperation in various areas such as agriculture, energy, infrastructure, science and technology, trade and investment, and people-to-people exchanges, amongst others,” ani FM, Jr., sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base.

“I look forward to my meeting with President Xi as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring numerous prospects and abundant opportunities for the peace and development to the peoples of both our countries,” giit niya.

Sinabi ng punong ehekutibo, inaasahan niyang talakayin kay Xi ang mga isyung pampolitika-seguridad na may bilateral at rehiyonal na katangian sa layuning ayusin ang mga problema sa isang palakaibigang paraan at hangarin na lutasin ang mga isyung iyon para sa benepisyo, kapwa ng dalawang bansa.

Mahigit sa 10 pangunahing bilateral na kasunduan ang inaasahang lalagdaan sa pagbisita ni FM Jr., sa China. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …