Friday , November 15 2024
PNP PRO3

Killer ng brgy. captain sa Pampanga, iniutos ni RD Pasiwen na tugisin

Kinondena ng kapulisan sa Region 3 ang ginawang pagpatay kay Brgy.Captain Jesus Liang y Lorenzana ng Brgy.Sto.Rosario, Lungsod ng San Fernando, sa Pampanga, gabi ng Disyembre 27 sa bahagi ng City Market Plaza sa nabanggit na barangay.

Si Brgy,Captain Lorenzana ay kaswal na naglalakad sa may Abad Santos St, City Market Plaza 4th nang walang kaabog-abog na barilin siya sa ulo na nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.

Dahil dito ay ipinag-utos ni PRO3 Regional Director P/Brig.General Cesar Pasiwen ang malalimang pag-iimbestiga sa insidente at siliping maigi ang lahat ng anggulo at pagtatatag ng posibleng motibo sa krimen.

Dagdag pa ng opisyal na simula pa lamang ay todong nagpupunyagi na ang kanilang ginagawa upang malutas ang ganitong insidente ng krimen sa pamamagitan ng patuloy sa pangangalap ng mga ebidensiya na makatutukoy sa pagkakilanlan ng mga kriminal.

Tiniyak din ni RD Pasiwen sa publiko gayundin sa pamilya ng biktima na gagawin nila ang lahat ng kanilang magagawa upang malutas kaagad ang kaso sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon.

Ipinahayg pa ng opisyal na lahat ng kaso ay binibigyan nila ng kahalagahan pero ang ganitong insidente ay itinuturing nila bilang Top Priority dahil ang sangkot ay barangay official.

Nagpahatid din ng pakikiramay ang opisyal sa pamilya ni Brgy.Captain Liang at patuloy aniya silang humihingi ng suporta sa publiko na kung sino o may nalalaman sila sa pagkakakilanlan ng gumawa ng krimen ay magpunta lamang sa kanilang tanggapan o tumawag sa PNP HOTLINE 09985985330/09175562597. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …