Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Anim na law offenders sa Bulacan isinako

Nitong Disyembre 28 at hanggang kahapon, ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (BulPPO) ay sunod-sunod na naaresto ang anim na katao na pawang lumabag sa batas sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan.

Sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pinagsanib na buy-bust operation ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Special Operations Unit (SOU3) bilang lead unit, at mga operatiba ng Malolos City Police Station (CPS) sa Mojon, Malolos City, Bulacan, dakong ala-1:00 ng madaling araw kahapon, Disyembre 29, ay nagresulta sa pagkaaresto ng pinaghihinalaang drug dealer mula sa Brgy Kamalig, Mecauayan City, na kinilalang si Miguel Ignacio a.k.a. Ampie, 28.

Nakumpiska sa suspek ang siyam na selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, tinatayang humigit-kumulang sa 10 gramo at Dangerous Drug Board (DDB) value na ₱68,000.00, cellphone, black and red motorbike, at buy-bust money.

Gayundin, tatlong personalidad sa droga ang arestado bilang resulta sa magkakahiwalay na drug busts sa mga bayan ng  Plaridel at Bustos.

Kinilala ang mga ito na sina Monica Mae Madrigal alyas Em-Em, 33, ng Brgy. Agnaya, Plaridel; Charlie Dalisay alyas Charlie, 49; at Edilberto Ramos Jr. alyas Edel, 53, kapuwa mula sa Brgy. Bintog, Plaridel, Bulacan at nakumpiska sa mga suspek ang walong pakete ng shabu. motorbike, at buy-bust money.

Sa hiwalay namang operasyon ng tracker team ng SJDM City Police Station (CPS) ay arestado ang dalawang katao na pinaghahanap ng batas sa bisa ng Warrant of Arrest.

Kinilala ang mga naaresto na sina Albert Jan Bernardo, 24, ng Brgy. Muzon, SJDM City na may apat na kaso ng paglabag sa  Article 294 ng RPC (robbery against or intimidation of a person) kaugnay sa Section 6 ng RA 10175, at isang Alias Roy, 34, ng naturan ding barangay, na may kasong paglabag sa Section 48 ng Republic Act No. 9003, na kilala rin bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …