Friday , November 15 2024
Gun Fire

Express delivery office nilooban ng walong armado
EMPLEYADONG BEBOT BINOGA

MALUBHANG nasugatan ang isang babaeng empleyado nang barilin ng isa sa mga armadong holdaper na pumasok at nanloob sa bodega ng isang express delivery sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kaagad na isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang 26-anyos biktima na nakatalaga sa cash-on-delivery (COD) remittance ng J & T Express, dahil sa tig-isang tama ng bala sa kaliwang braso at kaliwang hita.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro, dakong 8:10 pm nang pasukin ng walong lalaki pawang armado ng matataas na kalibre ng baril, nakasuot ng vest jacket, bull cap, at facemask, ang bodega ng J&T Express sa #15-A Industry Road 1, Barangay Potrero ng nasabing lungsod.

Pinadapa ang mga empleyado na kinabibilangan ng limang babae at limang lalaki habang dinisarmahan ang isa sa dalawang security guard na may nakasukbit na service firearm.

Hindi nabanggit sa ulat kung bakit binaril ng isa sa mga holdaper ang babaeng empleyado habang sinasamsam ang kanilang mga personal na gamit.

Natangay ng mga holdaper ang hindi pa nabatid na halaga ng salapi sa bodega ng naturang express delivery, pitong cellular phone ng mga empleyado na may kabuuang halagang P75,000, ilang personal na gamit tulad ng handbag na may lamang P500 cash, assorted ATM at ID cards, isang Boss speaker na nagkakahalaga ng P8,000 at ang kalibre 9mm baril ng guwardiya na may magazine na naglalaman ng pitong bala.

Matapos ang panloloob, kaagad na tumakas ang mga holdaper, sakay ng isang itim na Isuzu MUX, may plakang DAE-8422 patungo sa Victoneta St., Brgy. Potrero na nakita sa nakakabit na close circuit television (CCTV) camera sa lugar.

Nagsagawa agad ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon police nngunit bigo silang makilala at matugis ang mga holdaper.

Patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat sina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Mardelio Osting, may hawak ng kaso at nakikipag-ugnayan sa mga barangay at may-ari ng mga establisimiyentong may nakakabit na CCTV na maaring makatulong para sa pagkakakilanlan ng mga holdaper. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …