Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

4 tulak ng ‘omads,’ 7 tulak ng ‘bato’ timbog sa drug-bust

SUNOD-SUNOD na naaresto ang 11 personalidad sa droga sa ikinasang anti-criminality operation na isinagawa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 26 Disyembre.

Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nagresulta ang drug bust operation sa Brgy. Sto Cristo, Malolos na pinangunahan ng Malolos CPS ang pagkakaaresto sa apat na marijuana dealers na kinilalang sina Ian Cabrera, Carl John Tolores, Rica Mariz Santos, at isang alyas Kian.

Narekober sa operasyon ang P60,000 halaga ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana na may timbang na 500 gramo.

Kasunod nito, nakompiska ng mga operatiba ng Malolos CPS sa Brgy. Mabolo ang P34,500 halaga ng hinihinalang shabu at marked money mula sa suspek na kinilalang si Ruben Gonzales matapos ang ikinasang drug trade.

Samantala, sa serye ng mga drug sting operation ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng police stations ng Hagonoy, San Miguel, San Jose del Monte, Pulilan, at Obando, nakasakote ang anim na personalidad sa droga, nasamsaman ng 23 pakete ng hinihinalang shabu at marked money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …