Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vhong Navarro Christmas Family

Vhong Navarro nag-Pasko kapiling ang pamilya

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI ang natuwa nang mag-post si Vhong Navarro ng picture ng kanyang pamilya at kaanak sa kanyang social media account. Iyon kasi ang kauna-unahang pagpo-post ng aktor/host matapos makapagpiyansa at pansamantalang nakalaya.

Post ni Vhong, “Napakarami kong pinagpapasalamat. Thank you, Jesus! Happy Birthday!”  

Bukod dito, pinasalamantan din ng TV host-comedian ang publiko sa pagbibigay suporta sa kanya at sa mga nag-alay ng dasal para sa kanyang kinakaharap na problema. 

Aniya, “Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin, maraming maraming salamat. God bless!” 

Para kay Vhong, ang taong ito ang maituturing niyang pinakamasayang Pasko dahil kasama niyang nagdiwang ng Kapaskuhan ang kanyang pamilya.

“Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …