Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
My Father, Myself

My Father, Myself patuloy na pinag-uusapan; steamy love scenes nina Jake at Sean, kaabang-abang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY na pinag-uusapan nang madlang pipol ang pelikulang My Father, Myself. Ito’y isa sa official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival na nagsimula na kahapon.

Pinupuri ang husay ng cast dito na sina Jake Cuenca, Dimples Romana, Tiffany Grey, at Sean de Guzman at ang pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

Nagkuwento si Sean sa kanilang pelikula, “Kakaiba po itong istorya na ito, it’s another love story, a different kind of love story. And ayun, masaya yung naging kinalabasan ng pelikula namin, dahil pinag-uusapan siya ngayon, and sobrang happy kami na nagawa namin ito at mapapanood ngayong December filmfest sa MMFF

Kinakabahan ba siya? Siyempre po, kasi first time ko, first time makasali sa ganitong patimpalak dito sa Filipinas,” nakangiting saad ni Sean.

Ano ang nararamdaman niya na hinuhusgaahan yung movie nyo kahit trailer pa lang ang napapanood ng iba? “Normal lang naman po yun eh, na may magreact, may mga hindi nagkagusto dun sa pelikula, at siyempre meron din pong may mga sumusuporta.

“Masaya kami kasi napag-uusapan ng tao, nagkakarpon ng diskusyon kung ano ba talaga, kung ano yung dapat talagang pananaw nila dito, di ba? kung ano yung mga opinyon nila rito, pero siyempre dapat panoorin muna nila, kasi hindi nila malalaman yung kabuuan ng istorya kung di nila papanoorin, kung magbabase lang sila sa trailer nito.”

Pinag-uusapan nang sobra dito yung kissing scene nila ni Jake, ano ang preparation niya rito ‘tsaka ano naramdaman mo nung magkalapat na ang inyong labi?

“Habang ginagawa po namin yung mga steamy scenes dito sa movie… actualy kasi, wala naman po talagang preparations akong ginawa na parang nakipaghalikan ako sa ibang ano… hindi po eh, kumbaga ay ginawa namin bigla iyon tapos ay nadala na lang kami sa aming emosyon… As an actor kailangan naming gampanan yung hinihingi ng direktor.”

Umaasa ba siyang magka-award dito? “Actually, iyong entry pa lang namin na nakapasok kami sa MMFF is malaking blessing na po yan sa amin eh. Kahit hindi naman, kahit hindi naman po ako makakuha ng award, malaking privilege na po yung nangyayari sa akin ngayon, yung suporta ng mga kasamahan ko sa akin, yung mga sumusuporta sa pelikula mamin, malaking bagay na po para sa akin yun.”

Ang My Father, Myself ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy. Kabilang din sa producers ng pelikula sina Win Salgado, Jumerlito P. Corpuz, at Nicanor C. Abad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …