MA at PA
ni Rommel Placente
SA interview kay Sylvia Sanchez ni Alora Sasam, nagtanong ang huli sa una tungkol sa pakikipagrelasyon ng anak nitong si Ria Atayde. Kung naughty or nice ba si Ria tuwing nasa isang relasyon.
“Nice siya kasi ibinibigay lahat, isinusuko lahat. Sinasabihan ko siya talaga na, ‘Magtira ka para sa sarili mo,’”sagot ni Ibyang (tawag kay Sylvia).
Kaya naman nang tanungin si Sylvia kung pakiramdam niya ay may nagbago kay Ria sa kanyang past and current relationship, ang sabi niya, “Ang laki ng ipinagbago. Ang laki ng kaibahan. Masaya ako. Kaya ko ipino-post kasi gusto ko siya. Mabait si Z, marespetong bata and gustong-gusto ko siya.”
Ang Z na tinutukoy ni Sylvia ay si Zanjoe Marudo.
Sa naging pahayag niya na gusto niya si Zanjoe for Ria, ibig bang sabihin nito ay kinukompirma niya nang may relasyon na ang dalawa? Or baka naman gusto niya si Zanjoe bilang manliligaw pa lang ni Ria?
Hindi pa kasi umaamin sina Ria at Zanjoe na may something na sa kanila.