Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
5 TULAK, 5 PUGANTE NAKALAWIT

ISA-ISANG bumagsak sa kamay ng batas ang limang drug traffickers at limang pugante sa operasyong inilatag ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 20 Disyembre.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado ang limang personalidad na sinabing sangkot sa illegal na droga, sa buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga himpilan ng pulisya ng Pulilan, San Jose del Monte, at Meycauayan.

Kinilala ang suspek na sina Romeo Javier, alyas Raven, ng Bgry. Tambubong, San Rafael; Francis Ollet, alyas Nobis ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte; Eniseo Mercado ng Brgy. Sto Cristo, Pulilan; Rowie Toy-toy ng Brgy. Caingin, Meycauayan; at Riza Miano, alyas Taba ng Brgy. Malanday, Valenzuela.

Nasamsam mula sa mga suspek ang kabuuang 24 pakete ng hinihinalang shabu, coin purse, at buy-bust money habang inihahanda ang pagsasampa ng nararapat na kaso laban sa kanila.

Kasunod nito, nadakip ang lima kataong punaghahanap at pinananagot sa batas ng iba’t ibang manhunt operations ng tracker teams mula sa Meycauayan CPS, San Jose del Monte CPS, at 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) na sinuportahan ng mga elemento mula sa  Malolos CPS at 301st MC RMFB3.

Dinampot ang mga suspek para sa mga kasong Qualified Theft, Estafa, at paglabag sa BP 22 at kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/stations para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …