Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
lovers syota posas arrest

Sa Angeles City…
MAG-LIVE-IN PARTNER ARESTADO SA PAGPATAY SA 18-ANYOS NA ESTUDYANTE

Naaresto ng mga awtoridad ang mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang estudyante sa Angeles City sa Pampanga sa isinagawang follow-up operation isang araw matapos ang krimen nitong Disyembre 17.

Napag-alamang ang wala ng buhay na katawan ni Juana Mae Maslang y Reymundo, 18-anyos, estudyante, na residente ng Jesus St, Purok 4, Brgy. Pulungbulu, Angeles City, ay natagpuan ng kanyang ina nitong gabi ng Disyembre  16 sa loob ng kanilang kuwarto at ang mga gamit nito tulad ng isang mobile phone at relo ay nawawala.

Ayon kay  PBGeneral Cesar R. Pasiwen, PRO3 regional director, sa isinagawang  follow-up investigation ng mga operatiba ng Police Station 1- ACPO, may mga testigong nakakita sa mga suspek na lumabas sa bakuran ng biktima na kinilalang sina Val Rinon Cahanding alyas Bal-Bal, 22-anyos, at kanyang live-in partner na si Japanie Torbeles, na kapuwa residente ng  Brgy. Pulungbulu, Angeles City.

Dalawang t-shirts na may bahid ng dugo at isang kitchen knife ang narekober sa bahay ng mga suspek habang ang tulong ng SOCO ay hiniling para sa koleksiyon at pagsusuri ng  DNA.

Ang mag-live-in partner ay nahaharap ngayon sa kasong Robbery with Homicide at kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng  Police Station 1. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …