Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Limang drug traffickers at limang pugante, kinalawit

Isa-isang bumagsak sa kamay ng batas ang limang drug traffickers at limang pugante sa operasyong inilatag ng Bulacan PNP sa lalawigan hanggang kahapon, Disyembre 20.

Ayon kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang limang personalidad sa droga ay arestado sa buy-bust operations na ikinasa ng  Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga himpilan ng pulisya ng Pulilan, San Jose del Monte City, Pulilan, at Meycauayan City.

Kinilala ang mga ito na sina Romeo Javier alyas Raven ng Tambubong, San Rafael; Francis Ollet alyas Nobis ng Sto. Cristo, SJDM City; Eniseo Mercado ng Sto Cristo, Pulilan; Rowie Romilla Toy-toy ng Caingin, Meycauayan; at Riza Miano alyas Taba ng Malanday, Valenzuela City.

Nasamsam sa mga suspek ang kabuuang 24 pakete ng pinaghihinalaang shabu, coin purse at buy-bust money habang inihahanda na sa kanila ang pagsasampa ng nararapat na kaso sa hukuman.

Kasunod nito ay lima namang katao na wanted sa batas ang arestado sa iba’t-ibang manhunt operations ng tracker teams mula sa Meycauayan CPS, SJDM CPS at 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) na sinuportahan ng mga elemento mula sa  Malolos CPS at 301st MC RMFB3.

Inaresto sila sa mga krimeng Qualified Theft; Estafa; at paglabag sa  BP 22 at sila ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/stations para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …