Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Victoria

Julia Victoria, hataw sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KATATAPOS lang ng shooting ni Julia Victoria para sa pelikulang Kabayo at nalaman namin na mayroon din siyang project with Sean de Guzman.

Kuwento ni Julia, “Yes po, Lawa po ang title ng movie namin ni Sean. Ang ganda po ng istorya nito, grabe. Katatapos lang namin pong i-shoot itong movie.”

Dagdag niya, “Ang role ko po rito, isa ako sa mga couple na nagbabakasyon sa lake na na-video-han ni Sean. Abangan po nila ito, sure ako na magandaa itong movie po namin.”

Incidentally, bukod kay Julia ay tampok din sa pelikulang Kabayo sina Rico Barrera, Angelo Ilagan, Apple de Castro, Francesca Flores, Ping Medina, at Paolo Rivero. Directed by Gian Franco, ito’y prodyus ng LDG Pinoyflix, at ni Manuel Veloso.

Dito’y gumaganap si Julia bilang si Lorraine, isang anak mayaman na very liberated sa sex, to the point na handa niyang i-explore ang iba’t ibang bagay.

After humataw sa dalawang pelikula, sa December 18 ay mapapanood naman sa Vivamax ang napaka-hot na alaga ni Lito de Guzman sa Lovely Ladies Dormitory. Directed by Mervyn BrondialI, isa itong six-part mini-series na tinatampukan din nina Andrea Garcia, Hershie De Leon, Yen Renee, Tiffany Grey, Alma Moreno, at iba pa.

Nabanggit ni Julia kung gaano siya kasaya sa mga natotoka sa kanyang projects lately.

Aniya, “Sobrang grateful po talaga ako sa mga project na ginagawa ko ngayon o sa mga project na ibinibigay sa akin.

“Like rito po sa LLD (Lovely Ladies Dormitory)… actually, happy and grateful po ako dahil binigyan ako ng chance at tiwala para gumanap na isa sa mga bida ng LLD na mapapanood na po sa December 18. Sure ako na kaabang-abang po ito,” nakangiting wika ni Julia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …