Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baliuag Bulacan
Baliuag Bulacan

Baliwag sa Bulacan, isa nang lungsod

Isa na ngayong lungsod ang Baliwag sa Bulacan-ikaapat sa lalawigan matapos ang Malolos, Meycauayan at San Jose del Monte.

Ito ang ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, na sinabing mayorya ng mga botante sa isinagawang plebisto ay niretipikahan o pinagtibay na ang munisipalidad ay  maging ganap na lungsod.

Ang kabuuang bilang ng bumoto ay nasa 21.70% o 23, 562 sa 108, 572 rehistradong botante.

Ayon pa sa Comelec, 75.60% o 17, 814 ang bumoto para sa cityhood ng Baliwag, habang 24.19% o 5, 702 ang bumoto laban dito.

Sinabi ni Baliwag Mayor Ferdinand Estrella, ang annual P330-million Internal Revenue Allotment ay madodoble kapag ang munisipalidad ay naging lungsod.

Ang Republic Act No.11929 na nagtatakda na ang munisipalidad ng Baliwag na maging lungsod ay nilagdaan para maging batas noong Hulyo 29.

Batay sa 2020 census, ang Baliwag ay may populasyon na  168, 470.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …